nakita ko na yung ginawa sa lancer. panalo. di palang napipinturahan pero dahil sa nakita ko yung ginawang pag-buff ni mang bubot sa box ni dominic e napapangiti na lang ako..
pagkatapos sa indang, umakyat kami ng alfonso. bibisita sana sa lola ni misis kaso dahil gabi na ay hindi na rin kami tumuloy. habang papunta sa alfonso napadaan kami sa isang liblib na lugar. hindi naman kami bumalik sa pala-pala para mag-tagaytay na syang pinagsisisihan ko. sana dun na lang kami dumaan kahit malayo. grabe yung daan dun. sginagawa kasi. pero sobrang haba nung isang baku-bakong daan dun na sasayad ang pang ilalim mo. bigla ko tuloy naalala si BM(lancer) panigurado hindi nya sasantuhin yun. pero buti na lang nakayanan ni coda(mirage) yun. pagkatapos nun sinabi ko sa sarili ko hindi na dadaan dun kailan man. siguro abang ako ng 5 taon. baka gawa na yung kalsada dun. hahaha!
dinaanan na lang namin yung alfonso papuntang tagaytay at di man lang namalayan na lumagpas na pala kami sa bahay ni lola. pagdating sa tagaytay nakita rin namin yung bagong "supermarket" ng robinson's. medyo maliit lang yung tindahan pero malinis, maayos at kung ano man ang makikita mo sa bagong gawang gusali. meron din katabing "shakey's" at iba-ibang negosyo. mayroon ding "stall's". bilihan ng halaman, katutubong gamit, kakanin, baro't saya, at iba pa. pagkatapos mag-ikot-ikot kumain muna kami sa "shakey's". pareho din ng sa sta rosa kaso sobrang dami ng kumakain na nakalimutan ng "waitress" yung inorder naming "mushroom soup" na kailangan pang ipaalala. pagkatapos ay dumiretso na kami sa "grocery" dahil malalim na ang gabi.. di rin namin namalayan halos alas-9 na ng gabi ng dumatin kami sa bahay...hay! kapagod, pero masaya.
kuha sa shakey's