Monday, November 10, 2008

three for the road

hmmm...pano sisimulan? kailangan ko ihatid ang mga piyesa ng boxtype sa shop para masimulan na ang paggawa. nasakin yung "fender" pero yung "bumper" nasa dasma pa. next time na lang sana yung bumper pero naisip rin namin na kailangan ding asikasuhin yung "deed of sale" ng mirage. pati na rin yung kulang dun. kaya dumiretso kami dun ng tanghali kaso tumagal kami ng kinahapunan na. konting usap usap bago tumuloy ng indang...dumaan kami ng pala-pala. dun ko lang talaga naramdaman ang mga kalampag ng mirage. kaya habang nasa daan nagdesisyon na ko na kailangan ng ipalatero pagkalabas ng lancer.

nakita ko na yung ginawa sa lancer. panalo. di palang napipinturahan pero dahil sa nakita ko yung ginawang pag-buff ni mang bubot sa box ni dominic e napapangiti na lang ako..
pagkatapos sa indang, umakyat kami ng alfonso. bibisita sana sa lola ni misis kaso dahil gabi na ay hindi na rin kami tumuloy. habang papunta sa alfonso napadaan kami sa isang liblib na lugar. hindi naman kami bumalik sa pala-pala para mag-tagaytay na syang pinagsisisihan ko. sana dun na lang kami dumaan kahit malayo. grabe yung daan dun. sginagawa kasi. pero sobrang haba nung isang baku-bakong daan dun na sasayad ang pang ilalim mo. bigla ko tuloy naalala si BM(lancer) panigurado hindi nya sasantuhin yun. pero buti na lang nakayanan ni coda(mirage) yun. pagkatapos nun sinabi ko sa sarili ko hindi na dadaan dun kailan man. siguro abang ako ng 5 taon. baka gawa na yung kalsada dun. hahaha!

dinaanan na lang namin yung alfonso papuntang tagaytay at di man lang namalayan na lumagpas na pala kami sa bahay ni lola. pagdating sa tagaytay nakita rin namin yung bagong "supermarket" ng robinson's. medyo maliit lang yung tindahan pero malinis, maayos at kung ano man ang makikita mo sa bagong gawang gusali. meron din katabing "shakey's" at iba-ibang negosyo. mayroon ding "stall's". bilihan ng halaman, katutubong gamit, kakanin, baro't saya, at iba pa. pagkatapos mag-ikot-ikot kumain muna kami sa "shakey's". pareho din ng sa sta rosa kaso sobrang dami ng kumakain na nakalimutan ng "waitress" yung inorder naming "mushroom soup" na kailangan pang ipaalala. pagkatapos ay dumiretso na kami sa "grocery" dahil malalim na ang gabi.. di rin namin namalayan halos alas-9 na ng gabi ng dumatin kami sa bahay...hay! kapagod, pero masaya.

kuha sa shakey's

Friday, November 7, 2008

html character education

so, now, i've decided to update the tool by adding html character entities page. i haven't uloaded it yet but im hoping it will be sooner. unfortunately, it's getting bigger everytime i dig deeper to the subject. i started with  and reached ſ. so that's about 383 characters already. then, i found out from w3 website http://www.w3.org/TR/REC-html40/sgml/entities.html that there's a €. so i guess this will take long... well, wish me luck.

i also stumbled upon this site - http://www.escapecodes.info/ kinda cool with the use of image. i, however, prefer character instead of pictures.

Thursday, November 6, 2008

returning to the scene of the crime

it's been a while since i created a web page. and now im like a returning prodigal son aiming to get back what i lost. getting thru the same process i walked thru back then - studying. i visited few sites ive created and found them to be boring so i wont put their links here. hahaha! then i stumble upon my site(i want to call it that) - http://www.geocities.com/orpheum_ph/ and remembered that i have created something for myself... a tool for web design. something to start with... and i would like to tap my back for that. and so, i decided to get back into blogging and pst this.

hopefully, i would complete my tool and maybe start on a portfolio. wish me luck!

Sunday, March 16, 2008

alternatibong pagkukuhanan ng enerhiya

sa taas ng bilihin mapapamura ka habang sinasabi sayo ang presyo ng bibilhin mo...pero hindi ko kayo hinihikayat na magmura...at kung pwede ay pigilan ninyo ang sarili nyo. may napapabalitang naghahanap na raw ng ibang pagkukunan ng langis sa may bandang palawan pero marami ang napapa-iling dito...syempre naman, palawan yun. kumikita ng dolyares galing sa mga dayuhan tapos sisirain mo lang para makakuha ka ng langis. sama naman nu'n. dami naman pwedeng pagkuhanan ng enerhiya, bakit kailangan langis pa?

napanood ko kanina 'to: Wind, The World's Fastest Growing Energy Source



kung ganito bat hindi natin masubukan para maiba-iba naman...nag mumukha na tayong langis. konting hangin naman. pwede rin namang solar cells. ba't nga ba hindi pinapapasok sa pilipinas 'to. ang balita ko e, pwede daw ipasok kaso tinataasan ang tax para magdalawand isip ang mag i-import. kasabwat ata nila yung big three (shell, caltex, petron) syempre marami silang makukuha dun kaysa magpapasok ng solar cells dito. pero pwede rin namang mali ang balita ko. ano ba alam ko e, tindero lang ako.

diksyonaryo/dictionary/辞書

sinusubukan kong mag-aral ng iba-ibang linguwahe. kaya madalas ay kailangan ko ng diksyonaryo. mabuti naman at nakakita ako ng "on-line dictionary" mas mura kaysa bumili ng maraming libro.
hapon-english at baligtaran:
http://www.excite.co.jp/world/english/
filipino-ingles at baligtaran:
http://www.gabbydictionary.com/home.asp
kapampangan-filipino-ingles at baligtaran:
http://www.geocities.com/Athens/Academy/4059/dictione.html

kentuckyfriedcruelty.com

i don't know how true this is, but i can tell it's not edited.
i don't think that i'll ever eat in kfc again...



Watch more videos at KentuckyFriedCruelty.com.

ex-wheels got new ride






singkit mitsu got my ex-wheels, ganda sa modelong oto! ingatan mo bro!!!

Sunday, March 9, 2008