Sunday, March 16, 2008

alternatibong pagkukuhanan ng enerhiya

sa taas ng bilihin mapapamura ka habang sinasabi sayo ang presyo ng bibilhin mo...pero hindi ko kayo hinihikayat na magmura...at kung pwede ay pigilan ninyo ang sarili nyo. may napapabalitang naghahanap na raw ng ibang pagkukunan ng langis sa may bandang palawan pero marami ang napapa-iling dito...syempre naman, palawan yun. kumikita ng dolyares galing sa mga dayuhan tapos sisirain mo lang para makakuha ka ng langis. sama naman nu'n. dami naman pwedeng pagkuhanan ng enerhiya, bakit kailangan langis pa?

napanood ko kanina 'to: Wind, The World's Fastest Growing Energy Source



kung ganito bat hindi natin masubukan para maiba-iba naman...nag mumukha na tayong langis. konting hangin naman. pwede rin namang solar cells. ba't nga ba hindi pinapapasok sa pilipinas 'to. ang balita ko e, pwede daw ipasok kaso tinataasan ang tax para magdalawand isip ang mag i-import. kasabwat ata nila yung big three (shell, caltex, petron) syempre marami silang makukuha dun kaysa magpapasok ng solar cells dito. pero pwede rin namang mali ang balita ko. ano ba alam ko e, tindero lang ako.

No comments: